Wednesday, November 26, 2008

HOTDOG SA BUTIKA

Iba naman ang topic na ididiscuss ko ngaun. Medyo nkakatawa naman. Saka ko na tutuloy yung mga tanong sa utak ko pag may naisip na ulit akong bago.
Dito naman tayo sa mga kapalpakan ng mga tao na ewan ko ba kung bakit nila nagagawa.
Note:TRUE STORY ITO.

Ang title nito ay "HOTDOG SA BUTIKA".
Oo, nagsimula yan sa ate kong Top 2 sa klase.
May tindahan kami nuon at nagtitinda kami ng mga shakes, pizza, hamburger at footlong.
Sa kasamaang palad, naubusan kami ng hotdog at saktong dinagsa pa kami ng mga gutom na gutom n customers.
Kaya napagutusan ang ate ko na bumili ng hotdog.
Malapit lng kasi ang palengke samin. Walking distance.
Lumabas ang ate ko pagkakuha ng pambili ng hotdog.
Laking gulat ko nang dumiretso sya sa katabing BUTIKA ng aming bahay.
At kataka-taka din kung bat dun sya nagtungo. Lumapit ako para pigilan sya.
[PARA IWAS PAHIYA BA KUMBAGA.]
Pero, huli nako. Kasi nasabi na nya sa tindera ang linyang ito
"Ate may HOTDOG po ba kayo?"
Natawa ang babae. (Natural! san ka nga naman nakakita ng butika na may panindang HOTDOG??!)
Sa panaginip siguro oo. Pero in REALITY, wala.
Gamot lang ang binebenta ng butika at wala sa bokabularyo ng gamot ang HOTDOG!
Kaya sa mga Top 2 dyan este sa mga may tindahan dyan at nagbebenta ng futlong.
Siguraduhing ang uutusan mo eh alam kung san nabibili ang HOTDOG. (at hindi yun nabibili sa BUTIKA!)

BOW.

No comments: