Sunday, November 30, 2008

AKALA NG ATE KO PAGKAEN EH

Isa pa sa mga kapalpakan ng ate ko eh ang pagkain niya o pagtikim ng HAND SANITIZER.
[Tama ang nabasa mo.]
Grade 3 kami nun sa Roosvelt College Cubao.
Igno lang talaga siguro ate ko sa mga bagay-bagay kaya nung nakita nyang
may hawak na cute na botelya ang kaklase namin dali-dali syang lumapit at humingi
ng kaonti.
Napansin daw niyang parang may masarap na nakain yung nagbigay sa kanya ng misteryosong liquid.
Akala nya ay pagkain yung pinatak sa palad nya.
Kaya walang alinlangan nya itong dinilaan.
[Warning kadiri ang parteng ito at marahil masama na ang mukha mo ngaun.]
Pagtingin ko sakanya......
Tumakbo agad siya sa banyo at nagmumog na parang nagtoothbrush ng 30mins.
Saka lang niya naisipang itanong kung para saan yun.
Saka lang din nya naisip kung gano siya katanga.

[Oo, korni nga] eh di wag kna magbasa ng blog ko! Amp. Hahahah
Wala na kasing maisip na topic puro ate ko ang SUKI.
palpak kasi. WAHAHA

1 comment:

Archeia_Nessiah said...

Hahahahahahaa....
Oh man, na iimagine ko na D:
Anong iniisip ni Kristine?! O_O

Ah well...
-Jas