Saturday, November 29, 2008

PAKE MO. INAANTOK AKO.

Masdan mo ang mga pasahero ng mga BUS.
Ordinary man o Aircon.
Napapansin mo?
Yung mga tulog?
OO, sila nga.
Taka ka kung baket?
Wala lang^^.
Nakakatawa lang silang tignan.
Pansin mo karamihan ng pasahero tulog.
Iba't-ibang itsura, iba't-ibang pwesto at position ang makikita mo.
May nakanganga.
May nakatingala.
May nakayuko.
May humihilik.
Saka meron din namang nagigising gising dahil sa biglaang preno ng nagmamaneho.^^
Lalo na pag ordinary bus.
Kadalasan pa nga nakalabas ang mga ulo ng mga pasaway na mga antukin na yan.
Magigising na lang sila sa harap ni SAN PEDRO.^^
Magigising na lang sila sa tilaok ng manok nito.
Talagang dun mo mapapatunayan na pag ang PINOY pagod at inaantok,
wala na silang pakialam sa kung anu mang maging outcome ng mukha at itsura nila.
At kung anu mang maging reaksyon ng mga makakakita sakanila.

"WALA KAYONG PAKE! EH SA INAANTOK AKO EH!"
-Juan Dela Cruz.

_END_

2 comments:

Lieallan said...

LOL sapul ako! ako si boy tulog sa bus...pero di palage...gising kasi ako pag may chicks hahahah

SHINJU.NYX said...

Antukin Na Mahilig Sa Chikkas. Amp.